GunPla Builders World Cup 2022 - Philippines

Inanunsyo na ng opisyal na Gundam Philippines Facebook page ang final rules and regulations ng parating na GunPla Builders World Cup 2022 contest o GBWC 2022 na gaganapin mula ika-27 ng Setyembre hanggang ika-9 ng Oktubre, 2022 sa Robinsons Magnolia (Aurora Blvd, corner Doña Hemady St, New Manila, Quezon City, Metro Manila)


Basahin ang opisyal na post ng Gundam Philippines Facebook page kung nais mong sumali. 


Ang kaganapan na ito ay ang pang-sampu sa mga ginanap na GBWC Tournament magmula noong taong 2011. Magmula noon, nagsasama-sama ang pinaka magagaling na GunPla-builders sa buong mundo upang ipakita at magtagisan ng kanya kanyang talento sa pag disenyo at pagbuo ng sari-sarili nilang GunPla model.


Ang Filipinas ay hinirang na kampyeon ng nasabing patimpalak noong taong 2017.

Naudlot at natigil ang GBWC dahil sa pandemyang naganap noong 2019, at ngayo'y nagbabalik upang hirangin ang ika-sampung kokoranahan bilang kampyeon sa taong 2022.

Post a Comment

0 Comments