Gusto ko ng Jollibee! Gundam Hathaway - Pinoy Pride Intensifies

Sino bang Pinoy ang hindi pa nakakatikim ng langhap sarap na Jollibee? Natuwa ka rin ba nung nakita mo na na-feature ang Jollibee sa nakaraan lang na 2021-movie na Mobile Suit Gundam: Hathaway?


Feel na feel ang mga eksena! Kudos sa mga animators ang pagbibigay nila ng anime feel at detalye sa aktual na kalye sa Davao city. 

Ayon sa isang redditor, hango talaga ang kalye na ito sa Lapu-lapu street, kung saan makikita rin ang Jollibee (Agdao branch) sa corner ng mismong street ng naturang lugar.

Ito  ay isa ring pagpupugay sa mga Pinoy Gundam fans na patuloy na tumatangkilik sa Gundam franchise, mula pa noong panahon ng Gundam Wing TV series sa GMA 7.

credit: Conquistaa [reddit]


Hindi lang ito ang unang Jollibee collaboration na kasama ang Gundam franchise, nagkaroon rin nang Jollibee x Mobile Suit Gundam: SEED "COSMIC GIZMOS" kiddie meal promotion ang Jollibee noong taong 2007.

Kasama nito ang tatlong Jollibee Kids meal toys na bust versions ng Strike Gundam, Justice Gundam, at Freedom Gundam.




Post a Comment

0 Comments