The Hunt is Over Para Sa 2007 Gundam x Jollibee Kids Meal Toys!

Umuwi ako ng Pilipinas para magbakasyon kasama ang pamilya ko. Noon pa lang hinahagilap ko na yung Jollibee kids meal promo toys na Gundam SEED Cosmic Gizmos, dahil noong panahon na promo nito ay nagkaubusan na sa mga branches na malapit samin kaya hindi ako nakakuha agad.


Naghanap ako nang naghanap hanggang sa makakita ako sa Shopee! Siguro nasa 1k PHP rin ang nagastos ko para makumpleto ko yung tatlo. Merong flash light na Justice Gundam, Strike Gundam na may note pads, at Freedom Gundam na may pen for its beam saber - pero di ko rin gets kung bakit Freedom Gundam ang ginamit nila dito, but anyway, happy buyer here still!

ITO NA SILA!!! maididisplay ko narin sila pag uwi ko pabalik sa Canada along with other Jollibee toys. Also, thanks sa seller na nagpahalaga sa collector's item na iniwan parin sa original plastic ng Jollibee yung Freedom Gundam at Strike Gundam. Feeling ko bumalik ako sa 2007 dahil ako mismo ang nagbukas nung bags!



Anyway, yung Justice Gundam used na, kaya hindi na umiilaw yung mata at sira na yung backpack - pero repairable pa naman ng konting glue at replacement narin nang baterya.

Sana magkaroon ulit ng collaboration ang Gundam at Jollibee in the future para may collectibles na ganito.


Post a Comment

0 Comments